Manila, Philippines – Umabot na sa higit 81,000 indibiduwal ang mga inilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 70,000 sa mga residenteng inilikas ay nasa 69 na evacuation centers.
Habang ang 11,000 iba pa ay nanunuluyan sa kani-kanilang mga kaanak o di kaya’y nasa mga temporary shelters na tinayo ng mga residente sa labas ng evacuation area.
Tiniyak ng NDRRMC na may sapat na pagkain at suplay para sa mga residente kung saan bukod sa 36,000 family food packs na ipinadala na nila noon, mayroon pang 7,400 food packs na dadalhin ngayon ng Philippine Coast Guard patungong Albay.
Facebook Comments