Shortlist ng mga kandidato bilang bagong Associate ng Court of Appeals, ipapadala na ng JBC kay P-Duterte

Manila, Philippines – Ipapadala na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist ng mga kandidato bilang bagong associate ng Court of Appeals kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inilabas na ang nasabing listahan kung saan lahat ng pitong nominado na napili ng JBC En Banc ay pawang mga kababaihan:
-Maria Celestina Cruz-Mangrobang -Angelene Mary Quimpo-Sale -Merianthe Pacita-Zuraek -Emily Alino-Geluz -Dorothy Montejo-Gonzaga -Mila Joy Oallares-Cawed -Rowena Dela Cruz De Juan-Quinagoran

Mismong ang pangulo ang siyang pipili sa susunod na mahistrado ng CA.


Ang mapipili naman ay papalit sa nabakanteng posisyon ng nagretirong si Justice Leoncia Dimagiba.

Facebook Comments