Manila, Philippines – Nadakip ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit sa ilalim ng National Capital Region Police Office ang mag-asawang sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga Armas.
Kasunod ito ng isinagawang entrapment operation sa Caltex service station sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway sa bahagi ng Valenzuela City kagabi..
Kinilala ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ang mga naaresto na sina Edgardo at Rosemarie Medel, residente ng Landville Sibdivision, Brgy. Pambuan, Gapan City Nueva Ecija.
Sa nakuhang impormasyon ng NCRPO, ibinebenta umano ng mag asawa ang mga matataas na kalibre ng armas tulad ng M-60 Machine gub at M-16 rifle kasama ang mga bala nito na pawang nagmula sa AFP.
Bukod sa mga armas at bala, nakuha mula sa mga naaresto ang dalawang Cellphone at marked money na nagkakahalaga ng Isa punto Dalawang Milyong Piso.
Ayon kay Albayalde, sinasabing parokyano ng mag asawa ang iba’t ibang Private Armed Group at Gun for Hire na posibleng kumikilos o ginagamit na ng mga Pulitiko para sa 2019 Mid Term Elections.