KUDETA | Petition for certiorari ng OSG sa CA kaugnay ng Trillanes Case, sa Enero na ihahain

Manila, Philippines – Sa Enero na ng susunod na taon isasampa ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeals ang petition for certiorari.

Kaugnay ito ng pagpayag ng Makati RTC Branch 148 na makalabas ng bansa si Sen. Antonio Trillanes.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra,grave abuse of discretion ang gagamiting ground ng OSG sa paghahain ng nasabing petisyon.


Nakikita aniya kasi nila na nagkaroon nga ng pag-abuso si Judge Andres Soriano nang ibasura nito ang kahilingan ng DOJ na magpalabas ng hold departure order laban kay Trillanes.

Una na ring binasura ng Makati RTC Branch 148 ang motion for reconsideration na inhain ng DOJ at maging ng kampo ni Trillanes

Facebook Comments