NADISMAYA| Malacañang, dismayado sa hindi pagkaka ratipika ng Bangsamoro Organic Law

Manila, Philippines – Nagulat ngayon ang Palasyo ng MalacaƱang sa mga pangyayari sa Kamara matapos mag ajourn at hindi ratipikahan ang Bangsamoro Organic law na sanay lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kanyang State of the Nation Address.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakalulungkot na hindi naratipikahan ang BOL pero ikokonsidera lamang nilan itong temporary set back sa target ng administrasyon na makapaglatag ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Pero sinabi din naman ni Roque na lalagdaan din naman agad ni Pangulong Duterte ang BOL sa oras na maratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang naturang panukala.


Sinabi din ni Roque kanina na ipaaalam niya kay Pangulong Duterte ang mga angyayari pero wala pang inilalahad ang MalacaƱang na reaksyon mismo ng Pangulo.

Facebook Comments