NAG-AABANG NA | Laban nina Senador Manny Pacquiao at Lucas Matthysse, inaabangan na ng mga Marikenyo

Marikina – Puspusan ng inaabangan at nakatutok ang mga Marikenyo sa laban nina Lucas Matthysse at Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakatutok na sa inilagay na malaking screen sa labas ng Marikina City Hall upang masilayan ng lahat ng mga taga Marikina sa pigil hiningang bakbakan nina Pacquiao at Mathysse.

Hati ang pananaw ng mga manonoon sa laban nina Matthysse at Pacquiao kung saan sinasabing mananalo si Pacquiao ng Knock out gayundin ang pananaw ng ilang mga kababayan natin na pumupusta kay Matthysse kung saan tiyak anila na mapapabagsak ang ating pambansang kamao dahil na rin sa record ni Matthysse na 39 fights at 36 dito ay Knockout .


Naniniwala ang mga pumupusta kay Matthysse na bumabagal na ang ating Pambansang Kamao kaya kaya umanong pabagsakin sa loob lamang ng 3 rounds.

Pumalag naman ang ilang mga die hard ni Pacman kung saan sinasabing dadaanin umano ni Pacquiao sa kanyang mahabang karanasan sa pagboboksing ang kanilang laban at magiging agresibo anila ang ating Pambansang Kamao dahil sa manonood amg ating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments