Hulyo 20, 2018, Idineklarang Non-Working Holiday

Pormal na nilagdaan ni Isabela Governor Faustino G. Dy III ang executive order No. 17 series of 2018 bilang deklarasyon ng non-working holiday sa Hulyo 20, 2018 (Friday) kung saan ay walang pasok ang lahat ng mga nasa pampubliko at pampribadong tanggapan dito sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay kalinsunod sa pakikiisa sa mga aktibidad na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction Management upang mapaghandaan at mapaangat ang kaalaman ng mga tao partikular sa lalawigan ng Isabela sa mga tamang aksyon kung dumarating ang hindi inaasahang mga sakuna.

Samantala, inaatasan naman lahat ng mga Office Heads, Local Chief Executive ng LGU, Punong Barangays at mga National Agencies na magsumiti ng mga report, attendance at mga larawan (before, during, after) sa Provincial Governors Office hanggang Hulyo 30, 2018 bilang dokumentasyon sa pakikiisa sa naturang aktibidad.


Facebook Comments