NAG-AALBURUTONG MAYON | Pangulong Duterte, bumisita sa Albay

Manila, Philippines – Dumating na sa Albay si Pangulong Rodrigo Duterte para bisitahin ang mga residenteng apektado ng labing anim na araw na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Pero bago nito, bibigyan muna ni PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr. ng briefing o update sa kalagayan ng Bulkang Mayon ang Pangulo habang magbibigay naman ng ulat sa status ng mga relief operation ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan si Office of the Civil Defesne Region 5 Drector Claudio Yucot.

Tiyak din na aalamin ni Pangulong Duterte ang status ng disaster relief operations sa mga residente na nananatili sa 70 evacuation center sa mga bayan ng Malilipot, Bacacay, Sto. Domingo, Daraga, Camalig, Guinobatan at sa mga lungsod ng Tabaco, Ligao at Legazpi.


Facebook Comments