Nag Ce-cellphone Napison

Tuguegarao City, Cagayan – Patay ang isang lalaking abala sa pagce-cellphone matapos magulungan ng umaatras na pison.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan 98.5 Mhz News Team, nangyari ang insidente sa project site ng river control project ng HAIJIN Corporation Industries and Construction Co Ltd na matatagpuan sa gilid ng Rio Grande de Cagayan, Gannaban Street, Cataggaman Viejo, Tuguegarao City.

Ang biktima ay nakilalang si Ernel Madraina, 42 anyos. walang asawa, heavy equipment spotter/checker sa construction project at residente ng Barangay Sta Cruz, General McArthur, Eastern Samar. Samantalang ang suspek na operator ng pison ay nakilalang si Joery Angelada, 40 anyos, walang asawa at residente ng Bacolod City, Negros Occidental.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao na habang ang biktima ay abalang nagtetext sa kanyang cellphone bandang alas otso ng gabi ng Setyembre 1, 2017 ay iniatras ng suspek ang kanyang minamanehong pison na hindi namalayang may tao sa likod ng kanyang heavy equipment.

Nagresulta ito sa pagkakasagasa sa biktima na agad isinugod sa Saint Paul Hospital na malapit lamang sa pinangyarihan ng insidente ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Ang suspek na nasa pangangalaga ngayon ng PNP Tuguegarao ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Facebook Comments