Manila, Philippines – “Sorry God Sorry God”, ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap narin ng kanyang mga naging pahayag patungkol sa Diyos.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte matapos ang kanyang pulong kagabi kasama si Jesus is Lord Leader Brother Eddie Villanueva sa Malacañang kung saan ipinaliwanag ng Pangulo ang kanyang mga naging pahayag.
Sa isang video na inilabas ng Radio TV Malacañang ay sinabi ni Pangulong Duterte na sa Diyos siya humihingi ng tawad kung ang nabanggit niyang Diyos ay Diyos ng lahat.
Pero sinabi ni Pangulong Duterte na ang konsepto niya ng Diyos ay iba sa consepto ng iba.
Binigyang diin din naman ni Pangulong Duterte na maaari namang siyang batikusin pero hindi dapat ginagamit ang pangalan ng Diyos sa pagbatikos o pagtuligsa sa Gobyerno dahil hindi ito tama.
Sinabi pa ng Pangulo na sa Diyos lang siya humihingi ng tawad at hindi kanino pa man.