Humingi ng paumanhin ang Samsung electronics sa mga manggagawa nito na nagkaroon ng cancer kasunod ng pagtatrabaho ng mga ito sa mga pabrika.
Nabatid na aabot sa 240 na empleyado nito ang tinamaan ng sakit.
Aminado si Samsung co-president Kim Ki-Nam – palpak ang kanilang health risk management sa semiconductor at LCD factories.
Nangako ang Samsung na tutulungan ang mga apektadong empleyado sa pamamagitan ng financial compensation na hanggang $133,000 o katumbas ng halos ₱7 million bawat kaso.
Sakop nito ang 16 na uri ng cancer, miscarriage, congenital diseases.
Ang Samsung ay pinakamalaking mobile phone manufacturer sa buong mundo.
Facebook Comments