NAG-USAP | PRRD at Qatar Deputy PM, nagpulong

Manila, Philippines – Nagharap sa isang pulong kagabi sa Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Qatar Deputy Prime Minister at Foreign Minister Sheikh Mohammed Bin Abdulrahman Al-Thani para patatagin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Gayunman tumanggi ang Malacañang na magbigay ng detalye sa napag-usapan ng nasabing mga lider at ng mga top officials.

Pero asahan na umano ang pagkakaroon ng state visit sa Pilipinas ni Qatar’s Emir Shiekh Tamim Bin Hamad Al Thani ngayong taon.


Nabatid na ang Qatar ang ika-anim sa export market ng Pilipinas at pang apat naman sa Middle East noong nakaraang taon.

Facebook Comments