Nagpalabas na ng suspension of classes si Mayor John Bongat hanggang sa Linggo sa buong lumgsod ng Naga.
Matatandaang una ng nagdeklara ng State of Calamity ang lungsod bunsod ng paglubog sa baha ng maraming barangay sanhi ng ulan na dala ni TD Usman.
Bagaman at hindi naman nasentro ng TD Usman ang naga City, inabot pa rin ang mga barangay nito ng tubig-baha dulot ng 3 araw na walang humpay na pag-ulan.
Maraming eskwelahan sa lungsod ang lubog sa baha sanhi na rin ng abnormal na condition ng Bicol at Naga river kung kayat kahit wala ng ulan, patuloy pa rin ang pagtaas ng water level sa malaking bahagi ng Naga City.
Sa post ni Sir Allen Reondanga ng LGU-Naga City: “Classes in all levels in all public and private educational institutions in Naga City shall resume on Monday, 7 January 2019 per Memorandum Circular No. 2019-001 issued by Mayor John Bongat.”
Nasa State of Calamity na rin ang probinsiya ng Camarines Sur at iba pang probinsiya ng Bicol kaugnay ng hindi inaasahang volume ng tubig na dala ni Usman na nagresulta sa pagbaha ng halos lahat ng bayan ng probinsiya. Una nang dineklara ang suspension of classes sa Camarines Sur at Albay hanggang Biernes January 4, 2019.
Naga City, CamSur, Albay in State of Calamity; Classes Suspended
Facebook Comments