Mahigpit na ipatutupad na ngayon ng management ng Naga City People’s Mall ang pagbabawal na may magtulog sa mga stalls para matiyak na hindi na ulit magkakaroon ng insidente ng sunog sa nasabing building.
Ayon sa pahayag ni NCPM Manager Mon Florendo, noon pinapayagan ang pagtulog at paggamit ng gamit pangluto sa mga stalls. Sinabi pa niya na delikado ito lalung-lalo na kung may brown-out bandang madaling araw kung saan nagsisindi sila ng kandila o gasera na nagiging sanhi ng sunog kung napapabayaan dahil nakatulog. Kaugnay nito, ang mga guwardiya ay magroronda na rin sa loob ng palengke sa gabi upang tiyakin na naipatutupad ang nasabing polisiya.
-RadyoMaN Paul Santos
Facebook Comments