Pasisimulan na sa madaling panahon ang paglipat ng mga poste ng kuryente sa tamang lugar. Ito ay base sa impormasyong ipinahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 2nd Engineering District.
Sinabi ni Assistant District Engineer Emmanuel Ragrario na nakasumite na ng initial na costing ang CASURECO 2 para trabahuin ang paglipat ng nasabing mga poste sa tabi ng kalsada.
Matagal ng usapin sa lungsod na ang kasalukuyang pagkakatayo ng mga poste sa kalsada ay nakakaapekto sa daloy ng trapiko at maraming beses na ring naging sanhi ng pagkakaaksidente ng mga motorista.
Ang initial costing na naisumite ng CASURECO 2 sa DPWH ay umaabot sa 6.8 million pesos para sa relocation ng mga poste sa kasentrohan pa lamang ng Naga City.
Kasama mo sa Balita, RadyoMaN Manny Basa, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!
Naga City: Mga Poste ng Kuryente, Ililipat na sa Tamang Lugar
Facebook Comments