Mahigit 120 kilos na karneng baboy, baka, manok kabilang na rin ang mga itlog ng pugo ang nakumpiska ng Task Force Bantay Karne sa Bicol Central Station bandang alas 5 ng umaga kahapon.
Sa pangunguna ni Mr. Jayme Jaycon ng Naga City Veterinary Office, binabantayan ng Task Force Bantay Karne ang lahat ng bus na dumarating o dumadaan sa bus terminal ng Naga City.
Ayon sa report, naka-diskubre ang grupo ng nasa 25 kilos na karneng baka, 32 kilos na pata/baboy, walong tray ng itlog ng pugo at 4 na manok pansabong. Ang mga ito ay walang kaukulang travel permits at pinagdududahan na apektado ng African Swine Fever (ASF) o di kaya Avian Flu.
Dinala ang mga nabanggit na items sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service (NMIS) – 5 para sa angkop na disposisyon.
Magugunitang nitong nakaraang Linggo lamang ay nakasabat din ng umaabot sa 1,400 kilos na mga longanisa at embutido na nakabalot sa 25 na karton-boxes ang nasakote ng mga ahente ng NMIS at City Vet Office lulan ng isang bus na dumaan sa bus terminal ditto sa Naga City, byaheng pa-Legaspi City.
report by RadyoMan Paul Santos
Photo from google for visual representation purpose only
Naga City// Na Naman???…Mga Karne ng Baka, Baboy, Manok, Nakumpiska ng Task Force Bantay Karne – Walang Dokumento at Suspected ASF – Affected
Facebook Comments