Naga City: Number 1 sa G2G Category ng Pinakaunang Digital Cities Awards

Minsan pang pinatunayang ng pamahalaang local ng Naga City sa pamumuno ni Mayor John Bongat na Number 1 ito sa larangan ng good governance sa buong bansa.
Ikinagalak ngayon ng pamahalaang local ng Naga City ang pagkakapanalo nito bilang Number 1 sa G2G Category ng pinakaunang Digital Cities Awards ng DICT at NICP.
Sa fb post ni Mayor John Bongat kaninang umaga lamang, naka-banner ang mga salitang “WOW, ANOTHER FIRST PLACE FINISH FOR NAGA LAST NIGHT!.”
Ang award ay iginawad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Information and Communications Technology Confederation of the Philippines (NICP).
Tinalo ng Naga City ang 2 malalaking syudad sa Metro Manila tulad ng Muntinlupa – 2nd Placer at Paranaque – 3rd Placer.
Magugunitang ipinagdiwang din ng Naga City Local Government ang tagumpay nito bilang leader-model sa usaping governance nang makatanggap ng 2018 Seal of Good Local Governance at sinundan pa ito ng pagkakatanggap ng Galing Pook Award for leading the way in local governance best practices nitong nakaraang linggo lamang.
Sa social post ni Mayor John Bongat, kabilang sa mga pinasalamatan nito ang Team ni Mr. Reuel Oliver ng Alisto Serbisyo Applications (ASAPp) at sa suporta ng ICT @ Bicol Council sa pamumuno ni Mr. Efren Daniel de Leon.
Ang mga tagumpay na ito ay bahagi ng mga legacy at challenge na iiwanan ni Mayor John Bongat sa susunod na magiging ama ng lungsod ng Naga dahil last term na niya ngayon bilang alkalde.



Facebook Comments