*Determinado ang Even Chance Gaming Corporation na makapag-operate ng Small Town Lottery (STL) sa Naga City dito sa Camarines Sur. *
*Ito ay sa kabila ng paninindigan ni Mayor John Bongat na kontra siya sa operasyon nito dito sa lunsod. *
*Nitong nakaraang araw, isang sulat ang pormal na pinadala ni Corporation Vice President Jerome Bañas kay Mayor John Bongat na nagpapaabot ng intention ng nasabing korporasyon na mag-operate ng STL sa Naga City. Nakasaad sa sulat na nagpaalam na umano ang nasabing korporasyon at may permiso na mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office na pinamumunuan ni Alexander Balutan. *
*Ayon kay Bañas, dahil meron na silang permiso mula sa PCSO, kortesiya na lamang umano ang kinakailangan nilang gawin sa mga local government units para makapag-operate ng STL. Nakasaad din sa nasabing sulat na ang mga STL Draws ay gagawin sa isang gusali sa kahabaan ng Magsaysay Avenue sa Naga City, samantalang magpapatayo rin ng mga STL Centers sa iba’t-ibang strategic areas ng Naga City. *
*Magugunitang isang Certificate of No Objection ang ipinalabas ng majority members ng Naga City Council subalit ito ay tahasang kinokontra ng Alkalde. *
*Mainit na binabantayan ngayon ang usapin tungkol sa operasyon ng STL at kung hanggang saan at kailan mananatili ang posisyon ni Mayor Bongat kontra sa operasyon nito sa lungsod ng Naga. *
*Tags: STL, Naga City, Evenchance*