Cauayan City, Isabela – Nagulantang ang buong Isabela sa hindi inaasahang pagkasawi sa hepe ng PNP Mallig na si Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaña kahapon ng gabi sa drug buy bust operation sa Barangay Centro 1, Mallig, Isabela, June 18, 2018.
Personal na natutukan ng RMN Cauayan ang pagbaril sa hepe kung saan unang nakapanayam ang Deputy Chief of Police ng PNP Mallig na si Police Senior Inspector Saturnino Aggabao at inilathala ang buong pangyayari sa pagkamatay ni Police Senior Inspector Tubaña.
Mismo ring nakuhanan ng larawan ang pinangyarihan ng krimen habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kapulisan kasama ang SOCO team.
Nasaksihan rin ng RMN Cauayan ang pangunguna ni Mayor Jose Calderon sa pag-half must ng bandila ng pilipinas sa isinagawang flag raising ceremony kahapon bilang pagdalamhati ng buong bayan ng Mallig sa pagkamatay ng hepe.
Natutukan rin ang agarang pagkahuli ng dalawang suspek na kumitil sa buhay ni Tubaña hanggang sa pagprisenta sa media.
Ang dalawang suspek na pawang mga traysikel drayber ay sina Warren Bulawit ng Nambaran, Tabuk City, Kalinga at ang menor de edad na itinago sa pangalang “Bugoy” ng Barangay Ipil, Malidda, Tabuk City, Kalinga kung saan nahuli ang dalawa kahapon ng umaga sa Barangay Bulanao, Tabuk City sa pinagsanib na pwersa ng PNP Tabuk at mga operatiba ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).
At dahil sa pagkalagas ng isa sa opisyal ng kapulisan ay nakatakda ngayong umaga ang mismong pagbisita ni Police Director General Oscar Albayalde para sa burol ng binaril na hepe na si Police Senior inspector Michael Tubaña sa Saint Peter Chapel ng Gamu, Isabela.