Gamu, Isabela – Nilinaw ng PNP Gamu Isabela na walang kaugnayan sa nalalapit na eleksyon ang naganap na sampalan sa nasabing bayan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Richard Limbo, na base umano sa nakatala na mga pangyayari sa Gamu ay walang kinalaman sa eleksyon.
Aniya ang nangyari noong ika lima ng Mayo ay hindi masasabing election related kung saan ito ay sa pagitan nina Alex Pico na umanoy isang watchman ng Mayor sa Gamu na sinampal niya sina Nixon Galano at Alejo Verona dahil sa sinigawan sya ng dalawa na lasing pa.
Nilinaw pa ni Inspector Limbo na slight physical injury lamang ang nangyari kina Galano at Verona kung saan sa muling pag-iimbestiga ng PNP Gamu ay nakitang magkakasama umano ang mga ito sa nasabi ring lugar.
Matatandaan na inihayag ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na masusing iniimbestigahan ng tanggapan nito ang naganap na pambubugbog o harassment sa isang indibidwal sa Gamu, Isabela na may kaugnayan sa eleksyon.