NAGBABALA | LTFRB, may mabigat na parusa laban sa mga pasaway na driver

Manila, Philippines – May umiiral ng panuntunan na nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga driver ng taxi at Transport Network Company na namimili, nangongontrata at tumatangging magsakay ng mga pasahero.

Tugon ito ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Aileen Lizada sa nag papanukala na gawin nang criminal offense ang pangongontrata at pagtangging magsakay ng pasahero.

Multang limang libo hanggang labinlimang libong piso at pagkansela sa prangkisa ang katapat na parusa sa sinumang mapapatunayang may ganitong mga paglabag.


Itinanggi rin ni Lizada na mabagal ang proseso ng pagtugon ng ahensya sa ganitong mga reklamo.

May pagkukulang din ang mga complainants dahil sa hindi nakikipagtulungan sa LTFRB.

Natatagalan mga resolusyon sa mga reklamo dahil nawawalan na ng gana ang mga ito na dumalo sa ipinapatawag na pagdinig.

Gayunman, kapag tatlong ulit nang hindi sumisipot ang irereklamo, nagpapalabas na sila ng pasiya laban sa mga pasaway na drivers.

Facebook Comments