Pormal nang nanumpa si Dagupan City Mayor Belen Fernandez bilang alkalde ng lungsod sa seremonyang ginanap sa CSI Stadia nitong Huwebes, ika-tatlumpu ng Hunyo.
Tinanggap ni Mayor Belen ang oath of office sa harap ni Presiding Judge Genoveva Maramba ng Regional Trial Court Branch 44 sa Dagupan City.
Kasabay ring nanumpa sa panunungkulan ngayong araw ang runningmate ni Mayor Belen na si Vice Mayor BK Kua at mga konsehales ng TEAM BELEN-BK gaya nina Councilors Jeslito Seen, Dennis Canto at Michael Fernandez.
Dama ng mga Dagupeño ang emosyon at pag-asa sa layuning ma “Iyalagey su Baley”, sa inaugural speech ni Mayor Belen na sinimulan nito sa pagbabalik tanaw sa kung paano siya nagsimula sa public service.
Ayon kay Fernandez, ang pagtulong umano niya noong una sa mga day care centers ay simula ng mas malawak pang balak ng Diyos na siya ay maglingkod.
Mula sa 67,499 Dagupenyong nanindigang ibalik ang isang gobyernong maaasahan, mapagkakatiwalaan, at pinaniniwalaan, aniya “ang buong lungsod ang tunay na nagtagumpay”.
Muli ring iginiit ni Mayor Belen na walang puwang ang mga kurap, magnanakaw at mga nagmamalabis sa kaban ng bayan. Idinagdag pa ni Mayor Belen na “wala kaming karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.”
Hindi rin maisasantabi ng susunod na administrasyon ang nanatiling hamon sa kalusugan ng COVID-19 at banta ng malawakang paghihirap ng pambansang ekonomiya. Binanggit din niya ang mahigit limampung taong problema sa basura bunsod ng illegal landfill sa Bonuan na ipinangako nitong “tuluyan nang maipasara”
Lahat aniya ito ay tutuparin kasama ng masiglang turismo, imprastraktura at malinis at tapat na pamamahala. | ifmnews
Facebook Comments