Cauayan City, Isabela – Nabigyan ng sariling lupa ang anim na NPA matapos na sumuko sa 5th Infantry Division Philippine Army kamakailan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Brigadier General Vicente Bacarro, ang Commanding General ng 502nd Brigade Philippine Army, aniya bumisita kahapon sa division headquarters si Secretary John Castriciones ng Department of Agrarian Reform o DAR upang ipatupad ang naging pangako ni pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng lupa ang mga sumukong NPA.
Aniya ibibigay ang isang ektaryang lupa dahil sa sila umano ay pumasa rin sa ebalwasyon ng gobyerno at iniiabot na kahapon ang kanilang Certificate of Allocation o CLOA.
Kinakailangan na lamang umano na kumpletuhin ang survey ng lupa at ipapasakay na sa kanila ang handog ng gobyerno.
Matatandaan na dumalaw ang pangulong Duterte dito sa lalawigan ng Isabela kamakailan at iprinisinta ng 5th ID ang mga sumukong NPA sa pangulo maging ang mga narekober na pampasabog at mga baril ung saan ay nangako naman ang pangulo na ibibigay ang mga benipisyo para sa mga sumusukong rebelde.