NAGBANTA | Grupong Alliance of Concerned Teachers NCR, sinugod ang punong tanggapan ng DBM

81

Manila, Philippines – Maagang kinalampag ng grupong Manila Public Schaool Teachers Association at Alliance of Concerned Teachers NCR ang punong tanggapan ng Department of Budget and Management sa Solano St. papasok sa Palasyo ng Malakanyang sa lungsod ng Manila.

Ayon sa grupo ang panukalang House Bill 56 ay dapat bigyang pansin ng Duterte Administration na kanilang ipinaglalaban upang makamit ang matagal na nilang inaasam na itaas ang sahod ng mga guro na siyang sagot sa mga nagtataasang presyo ng pangunahing bilihin sa merkado.

Nagbanta ang grupo kay DBM Secretary Benjamin Diokno na isang patikim pa lamang ang kanilang isinagawang kilos protesta na sanay matugunan ang kanilang inaasam na dagdag sahod sa mga guro.

Facebook Comments