NAGHAHANDA NA | Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nagsimula na ng kaniyang conditioning workout

155

Manila, Philippines – Inamin ngayon ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na pinaghahandaan niya ng husto ang nalalapit na laban kay WBA Welterweight Champion Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil dito, sinimulan na niya agad kahapon ang conditioning workouts sa pamamagitan ng jogging sa loob ng Forbes Park.

Sa susunod na buwan ay sisimulan na niya ang ensayo sa gym para sa pagsasa-ayos ng kanyang timbang at muscles conditioning.

Nilinaw rin ni Pacquiao na plantsado na ang nasabing laban kontra sa nasabing Argentinian boxer kung saan ang kanilang paghaharap ay magaganap sa June 24.

Lumabas rin ang mga ulat na hindi na si Freddie Roach ang kanyang maging coach sa susunod na laban pero hindi naman ito kinumpirma ni Pacman.

Facebook Comments