NAGHAIN | Petisyon para pigilang makapag-renew ng license-to-operate ang Grab Ph , inihain ng Hype Transport Systems, Inc laban sa LTFRB

Manila, Philippines – Naghain ng petisyon angang hype systems incorporated para hilingin sa land transportation franchising and regulatory board na huwag nang payagan na makapagpanibago ng license to operate ang GRAB philippines.

Ang aksyon na ito ng hype ay kasunod ng umano ay ‘unfair’ business practices ng Grab na ikinalulugi ng mga tumatangkilik sa serbisyo ng Transport Network Company sa bansa.

Sa isang press conference sa QC, Ginamit na batayan ni hype legal counsel Atty. John Coluso sa kanilang petition umanong panloloko sa kanilang mga partner-drivers.


Sabi pa ni Atty. Coluso, bukod sa mga pangakong incentives na hindi natutupad ng grab nilalabag din ng ‘giant’ foreign company ang panuntunang itinatakda ng LTFRB.

Kabilang aniya sa patong patong na paglabag ng GRAB ay ang halos isang taong paniningil ng dalawang pisong travel charge, Mataas na booking fee na sinisingil sa mga pasahero laluna kapag peak hours.

Lahat ng ito aniya ay sapat nang basehan para huwag nang bigyan ng extension o license-to-operate ang Grab Philippines.

Sa ngayon ay mahigit isang buwan nang patuloy na nakakapag-ooperate ang Grab habang hindi pa naglalabas ng desisyon ang LTFRB board kung papayagan itong makakuha ng panibagong license to operate.

Facebook Comments