MANILA – Itinuturing ng grupo ng mga Foreign Observers na generally peaceful ang isinagawang eleksyon noong lunes.Ito ay sa kabila ng mga reports kaugnay sa vote-buying at mga election related violence sa mga polling precincts.Ayon sa Compact for Peaceful and Democratic Elections-International Observers Mission (COMPACT-IOM), humanga ang 15 foreign delegates sa naging mapayapang eleksyon sa bansa sa kabila ng mga nangyaring aberya.Ang naturang mga observers ay idineploy sa 91 presinto sa Cotabato, Maguindanao, Bohol, Dinagat Islands at Santiago sa Isabela.Sinabi ng coordinator na si Arnold Tarrobago na noong 2004 pa nila sinimulan ang pagdedeploy ng mga foreign observers para makatulong sa proseso ng pagboto sa bansa.
Facebook Comments