Zamboanga del Sur – Labintatlong umanong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Zamboanga del Sur ang nagbalik-loob sa gobyerno kahapon.
Ayon sa mga sumuko, sawa na raw silang makipagtaguan sa mga sundalo sa kubundukan.
Sa interview ng RMN Pagadian kay alyas Kidz, tatlong buwan pa umano siyang sumanib sa naturang grupo ngunit nadesisyunan niyang sumuko dahil hindi umano tinupad ng kanilang lider na si alyas Natan ang pangakong sahod sa bawat buwan.
Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Marlowe Patria ng 53rd Infantry Battalion na ang pagsuko ng ilang miyembro ng NPA ay resulta sa kanilang isinagawang peace fellowship sa mga former rebels.
Samantala nanumpa naman ang mga ito sa militar at sa lokal na gobyerno ng pakikipag-alyansa at pagtulong sa pasugpo sa komunista at rebeldeng grupo.
Dahil dito, makakatanggap ang mga ito ng tulong pinansyal at iba pang benepisyo mula sa gobyerno.