NAGMUNGKAHI | Sulat mula sa kampo ng Pamilya Marcos kay Secretary Panelo, isinapubliko

Manila, Philippines – Isinapubliko ng Social Activist and Education Advocate na si Gang Badoy ang isang sulat na galing sa abugado ng pamilya Marcos na si Atty. Oliver Lozano.

Naka-address ang sulat kay Presidential Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Nakasaad sa sulat ang mungkahing ng kampo ng mga Marcos na pagbuo ng isang legal team na babalangkas sa compromise agreement.


Pangamba ni Badoy na may kaugnayan ang sulat sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos lalo’t hindi malinaw kung anong kasunduan ito.

Kasabay nito, inamin naman ni Panelo na natanggap niya ang nasabing sulat.

Pero giit ng kalihim, wala pang napagkakasunduan ang pamilya Marcos at administrasyong Duterte.

Facebook Comments