WALANG KASUNDUAN | Malacañang, itinanggi na mayroong compromise agreement na nagaganap sa pagitan ng Marcos family at gobyerno

Manila, Philippines – Itinanggi ng MalacaƱang na nagkaroon ng kasunduan ang pamahalaan at pamilya Marcos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan ang alegasyon na nagkaroon na ng kompromiso sa pagitan ng gobyerno at pamilya Marcos.

Gumawa aniya ng liham si Atty. Oliver Lozano at dinala sa MalacaƱan para ipanukala ang pagbuo sa isang legal team na pag-aaralan ang isang compromise agreement sa Marcos family.


Gayunman, hindi pa inaaksyunan at sinasang-ayunan ito ng palasyo.

Facebook Comments