Nagpakilalang alyas Bikoy, sumuko sa PNP

Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police (PNP) si Peter Joemel Advincula ang lalaking nagpakilalang alyas Bikoy na nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video.

Sumuko si Advincula sa mga tauhan ng CIDG.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, una nang nakatanggap ng surrender feelers ang PNP mula kay Advincula.


Ngayong umaga ay may press conference sa Camp Crame kung saan idedetalye ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pagkakaaresto kay Advincula.

Matatandaang si Advincula ay may 2 standing warrant of arrest sa Baguio at Benguet court dahil sa kasong estafa.

Bukod dito nasangkot na rin sya sa kasong large scale illegal recruitment.

Matatandaang lumutang si Advincula sa IBP para humingi ng free legal assistance ngunit  hindi ito pinagbigyan ng IBP.

Facebook Comments