NAGPAPANGGAP NA PULIS | Mga kidnaper na nakaengkwentro ng mga pulis sa San Pablo, Laguna, sangkot din sa iba’t ibang krimen!

Manila, Philippines – Bukod sa pagdukot, nadiskubre ng pulisya na sangkot din sa “agaw-shabu” at gun-for-hire ang kidnap-for-ransom gang na naka-engkwentro nila sa San Pablo, Laguna noong Martes.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Chief Sr/ Supt. Glenn Dumlao, modus ng grupo na magpanggap na mga pulis, kikidnapin ang mga hinihinalang drug pusher saka hihingan ng pera, lote o kotse bilang ransom.

Istilo rin daw nila ang “agaw-prutas” kung saan inaangkin nila ang terirtoryo at suplay ng droga ng mga pusher saka ito dadalhin sa Lucena, Quezon City at Taguig.


Napag-alaman din na sila ang suspek sa mga homicide under investigation ng PNP lalo na sa Calabarzon bilang mga gun-for-hire.

Samantala, patuloy na tinutugis ng pulisya ang nobya ng lider ng grupo na si Ricky Barrios na sangkot din sa bentahan ng droga at siya umanong nag-aayos ng mga pekeng deed of sale para sa mga kotse at loteng nakukulimbat nila.

Facebook Comments