Nagpapatuloy na BOL plebscite sa Mindanao, nanatiling payapa ayon sa PNP

Sa kabila ng mga naganap na pagsabog kahapon sa Maguindanao at Lanao Del Norte, sinabi ni PNP spokesperson Police S/Supt Bernard Banac na nanatiling payapa ang nagpapatuloy na ika-2 bahagi ng plebesito sa ilang lugar sa Lanao del Norte at North Cotabato.

Aniya, hanggang sa ngayon walang naitatalang untoward incident at umaasa syang magiging payapa ang kabuuang plebesito.

Sinabi naman ni PNP Chief Police Dir. Gen. Oscar Albayalde, na nagpapatuloy na ngayon ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang responsable sa magkakasunod na pagsabog kahapon sa Maguindanao at Lanao del Norte.


Hinala ni PNP Chief, posibleng pananakot sa mga botante ang ginawang mga pagpapasabog dahil wala aniyang sugatan o nasawi sa mga naitalang pagsabog.

Sa ngayon aniya, nasa 50% na ng mga botante ang nakaboto para BOL plebscite.

Facebook Comments