Nagpapatuloy na paghahain ng COC nationwide, nanatiling payapa at maayos ayon sa PNP

Payapa at maayos pa rin ang nagpapatuloy na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) nationwide bilang paghahanda para sa gaganaping 2022 national and local elections.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, pinaghandaan nila ang paglalatag ng seguridad sa panahong ito pero mahigpit ang kanyang bilin sa kanyang mga tauhan na manating vigilant at tiyaking mahigpit na nakabantay.

Samantala, inutos rin ni PNP chief sa mga chief of police ang accounting ng mga police officer na mayroong mga kamag-anak na naghain ng COC o di kaya nagpaplanong tumakbo sa eleksyon.


Ito ay para matiyak na hindi magkakaroon ng oportunidad ang mga police officer na ito na maging partisan lalo na sa local level.

Ire-reassign ang mga police officer na ito sa ibang lugar para hindi makaimpluwensya sa kamag-anak na tatakbo sa halalan.

Pangako ni PNP chief mananatiling apolitical ang police organization at lahat ng police na mapapatunayang may engagement sa mga kandidato sa eleksyon ay mahaharap sa kaso.

Facebook Comments