NAGPASAKLOLO | Mga empleyado ng PECO, humingi na ng tulong kay Speaker GMA

Manila, Philippines – Dumulog na kay House Speaker Gloria Arroyo ang mga empleyado ng Panay Electric Company (PECO) para humingi ng tulong dahil sa hindi patas na treatment at pagharang ng Kongreso sa renewal ng kanilang prangkisa.

Sa liham na ipinadala ng PECO Employees and Workers Association (PECEWA) kay Speaker Arroyo, kanilang iginiit ang posibleng hindi pag-renew ng Kongreso sa prangkisa ng PECO at ang pagpasok ng bagong player na More Minerals Corporation (MMC).

Nakasaad dito na ito ay magreresulta sa malawakang pakatanggal sa trabaho ng maraming empleyado.


Ang MMC na bagong player ay nagnanais na pumasok sa lungsod ng Iloilo para makapag-operate gayong wala umano itong track record sa power distribution.

Nito lamang Agosto ay inihain ang panukala para sa pagbibigay ng prangkisa sa MMC at inaprubahan ito agad nitong Setyembre 17 ng House legislative Franchise Committee samantalang ang panukala naman sa franchise renewal ng PECO ay noong nakaraang taon pa inihain pero nakabinbin pa rin sa komite.

Facebook Comments