NAGPASARING | Simbahang Katoliko, nakatanggap muli ng puna mula kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahang Katoliko.

Ayon sa Pangulo, naniniwala siyang hindi na habangbuhay na sila magkakasundo ng simbahan.

Pero giit ng Pangulo, kung may pagkakapareho sila ng simbahan ay ang isyu sa babae.


Posibleng ito rin aniya ang dahilan ng pagpatay sa isang pari.

Aniya, may nakuhang impormasyon ang Malacañang hinggil sa pinatay na isang pari pero pinili na lang na hindi ilabas dahil sensitibo ito.

Tiniyak rin ng Pangulo na handa niyang isapubliko ang hawak niyang impormayson hinggil sa pagpatay sa isang pari kung patuloy siyang babatikusin ng simbahang Katoliko.

Facebook Comments