Manila, Philippines – Nahanay ang lungsod ng Maynila sa mga hindi masyadong sustainable na siyudad sa buong mundo.
Base sa 2018 Arcadis Sustainable Cities Index, ang Manila ay nasa ika-95 ranggo mula sa 100 siyudad na buong mundo pagdating sa overall sustainability.
Ibinase ito sa tatlong pillars o haligi ng sustainability: ito ay ang ‘people’; ‘planet’ at ‘profit’.
Ang Manila ay nasa ika-93 pwesto pagdating sa ‘people’ factor, kung saan sinusukat ang kalidad ng buhay o social sustainability.
Lumapag naman sa ika-91 pwesto sa ‘planet’ sub-index, na sinusukat ang pollution and sanitation management ng lungsod.
Kulelat sa ika-98 pwesto ang Manila sa ‘profit’ factor, kung saan sinusukat ang productivity ng lungsod, base sa economic growth, innovation at infrastructure.
Nangunguna naman sa listahan bilang most sustainable cities: ang London, England; Stockholm, Sweden, Edinburgh, Scotland, Singapore at Vienna, Austria.