NAHARANG | Limang babaeng underage na patungo sanang Saudi Arabia, naharang ng BI

Manila, Philippines – Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA terminal-1 ang limang kababaihan na pawang mga underage na planong magtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa ulat, may mga hawak na valid overseas employment certificates, employment contracts, at working visas ang lima pero kaduda-duda ang mga inilagay nilang edad.

Hinala ng Bureau of Immigration (BI) na ang limang kababaihan ay nagpakita ng mga palsipikadong mga dokumneto kaya sila nakakuha ng mga certificates at visa.


Nasakote ang lima matapos na mahuli ng immigration ang isang 17-anyos na babae na papunta din sana ng Saudi kung saan nagpakita ito ng mga dokumento na siya ay edad 23-anyos na pero hindi naniwala ang mga otoridad.

Itinurn-over naman ang limang kababaihan sa the Inter-Agency Council Against Trafficking (I-ACT) para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments