NAHIHIRAPAN | Paggamit ng social media ng mga kandidato sa Barangay at SK elections, hirap na matukoy ng COMELEC

Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi regulated ang social media at walang batas na gagabay para sa paggamit nito sa pangangampanya ng mga kandidato sa mga pampublikong posisyon.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nasasamantala ng ilang kandidato ang social media para sa kanilang pangagampanya kung saan mahirap itong bantayan o tutukan dahil sa lawak ng naabot at malaking bilang ng gumagamit nito.

Pero, sinabi ni Jimenez na ibang usapan na kung ang face value ng social media posts ang pag-uusapan partikular kung palagian at iisang tao o admin lamang ang nagpapakalat nito.


Paliwanag pa ni Jimenez na ang post na may halatang malaki ang production value ay maaring punahin dahil posibleng ginastusan na ito ng pera.

Facebook Comments