NAHULI NA | 2 hi-value target ng NCRPO, timbog sa Caloocan City

Caloocan City – Timbog ang dalawang tao na hi-value target ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos kumagat sa inilatag na operation sa Ignacia Road, Barangay Sta. Quiteria, Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Arnaiz at David Montalbo.

Ayon sa NCRPO, isang 100 gramo ng shabu ang nabili ng poseur buyer mula sa mga suspek at matapos maiabot ang mark money ay agad silang inaresto.


Kabilang sa narekober ng mga pulis ay ang sangkaterbang shabu na higit sa dalawang milyong piso ang halaga at dalawang hindi lisensiyadong baril.

Nabatid na isang buwan tiniktikan ang kilos ng mga suspek kung saan si Rolando ay ang lider ng Valenzuela-Arnaiz criminal gang na nagbabaksak ng shabu sa Caloocan, Quezon City at Bulacan at sila din ay nasasangkot sa gun-for-hire.

Facebook Comments