Nahuling COMELEC gun ban violators, umabot na sa 759, kabilang dito ang 10 pulis at apat na sundalo

Umabot na sa 759 indibidwal ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.

Ito ay batay sa ulat ng PNP as of February 4 o ngayong araw.

Sa 759 na mga nahuli, 728 mga sibilyan, sampung pulis, apat na sundalo, sampung security guard at may pitong iba pa.


Aabot naman ngayon sa 577 na baril, 273 deadly weapons at 3,849 mga bala ang nakukumpiska ng PNP sa gun ban violators na ito.

Sa kasalukuyan, 677 na operasyon ang ikinasa ng PNP sa buong bansa kaugnay sa ipinatutupad na gun ban na magtatagal hanggang June 8, 2022.

Facebook Comments