Davao Occidental at Camiguin, nakitaan ng ‘very high’ COVID growth rate

Nakita ng OCTA Research Group ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa 13 probinsya.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, naitala ang “very high” COVID-19 growth rates ng Davao Occidental sa 85 percent habang ang Camiguin ay nasa 78 percent.

Naobserbahan din ang positive one-week growth rates sa Bukidnon, Cotabato, Davao del Norte, Guimaras, Maguindanao, Sarangani, Siquijor, South Cotabato, Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, at Zamboanga del Norte.


Muli namang nagpaalala si David sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa safety protocol para mapanatili ang downward trend ng kaso ng COVID.

Facebook Comments