NAIA terminals, handa na sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa

74

Manila, Philippines – All systems go na ang NAIA Terminals kaugnay ng ina-asahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Lenten season.

 

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, partikukar na inaasahan nila ang pagtungo at pagdating ng mga pasahero sa mga lalawigan at ibat ibang mga bansa sa susunod na Linggo.

 

Kaugnay nito,magpapakalat ang MIAA ng karagdagang security officers sa NAIA Terminals 1, 2, 3 at sa Manila Domestic Airport. 

 

Ayon kay Monreal, ang security personnel at kanilang augmentation ang siyang magmo-monitor at magko-control sa galaw ng mga pasaherong dadagsa sa mga paliparan.

 

Magdi-dispatsya rin ang MIAA ng medical teams at mga ambulansya sa airport terminals.

 

Pinapayuhan naman ni GM Monreal ang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa mga paliparan dahil sa ina asahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada patungong airport.



Facebook Comments