Star Hotshots guard Marc Barroca, nanguna sa botohan sa PBA All Star

62

Nasorpresa ang Star Hotshots guard na si Marc Barroca matapos manguna sa botohan sa PBA All-Star Week.

 

Nakakuha si Barroca ng 32,793 votes mula sa mga fans kung saan naungusan nito ang mga crowd favorites na sina James Yap ng Rain Or Shine, Terrence Romeo ng Globaport, June Mar Fajardo ng San Miguel at teammate na si Marc Pingris.

 

Pumapangalawa naman si Scottie Thompson ng Barangay Ginebra na may 18,641 votes habang may 18,612 nama kay Yap, 18,012 kay Fajardo at Peter June Simon ng Hotshots na may 16,486.

 

Gaganapin ang nasabing All-Star Game sa tatlong venue, ang una ay April 26 sa Cagayan De Oro, April 28 sa Lucena City at April 30 sa Lapu-Lapu City.



Facebook Comments