Superintendent Lito Cabamongan, nagpostibo sa initial drug test

Manila, Philippines – Positibo sa iligal na droga ang police officer na naaktuhang nagpa-pot session sa kanyang bahay sa Las Piñas City.

 

Ito ay matapos na isailalim kahapon sa drug testing ng PNP crime laboratory sa Camp Crame.

 

Ayon sa hepe ng PNP crime lab na si Chief Supt. Aurelio Trampe, isasailalim pa sa confirmatory test si Cabamongan para tuluyang makumpirmang  gumagamit nga ito ng iligal na droga

 

Malalaman aniya ang resulta ng confirmatory test sa susunod

na linggo at ito ang kanilang pagbabasehan para sa panibagong kasong isasampa laban kay Cabamongan.

 

Matatandaan si Supt. Cabamongan ay naaktuhang nagpa-pot session sa kanyang bahay sa Las Piñas City kahapon ng umaga kasama ang isang babaeng nagngangalang Nedy Sabdao.



Facebook Comments