NAINGAYAN | Isang lalaki, kritikal matapos barilin sa ulo

Manila, Philippines – Kritikal ang isang lalaki matapos barilin sa ulo ng kapitbahay na naingayan sa kanya sa Tondo, Maynila.

Base sa kuha ng CCTV, malapitang binaril ni alyas Macmac ang 25-anyos na biktimang si Jomar Benetero sa Velazquez Street sa Tondo.

Naingayan lang umano ang suspek at galit na galit na bumaba sa kanilang bahay.


Ayon naman sa pinsan ng biktima, matagal na ring may di pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa utang.

Pinaghahanap na ngayon ng Manila Police District (MPD) ang suspek.

Facebook Comments