BUY-BUST OPERATION | Drug pusher, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang 33-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Quezon City.

Base sa inisyal na impormasyon, ikinasa ang buy-bust operation sa Colombia Street Barangay E. Rodriguez, Cubao.

Nagkakahalaga ng 500 piso ang biniling shabu ng pulis na poseur buyer mula sa suspek na si alyas ‘JP’.


Agad na inaresto si JP at narekober mula dito ang anim na sachet ng hinhinalang shabu, limangdaang pisong marked money at drug money.

Itinanggi naman ng suspek na nagbebenta siya ng droga at pang personal lang ang mga nakuhang sachet sa kanya.

Napag-alaman na isang buwan na palang minonitor ng Quezon City Police District (QCPD) station 7 si alyas ‘Jaypee’.

Facebook Comments