NAINITAN? | Magnanakaw ng aircon, arestado sa Valenzuela City

Valenzuela City – Arestado ang isang magnanakaw na tumangay ng isang air-conditioning unit matapos na magising ang mag-asawa niyang biktima sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagising ang ginang na si Brenda Picache dahil sa sobrang init sa kanilang kuwarto kung saan nang tignan ang aircon, wala na ito sa kanilang pader.

Agad silang tumawag ng pulis at natiyempuhan naman ang suspek na si Charles Dave Pualengco habang sakay ng isang tricycle at narekober ang aircon unit na ninakaw nito.


Wala din dokumento ang minamanehong tricycle ng suspek kaya’t hinala ng pulisya na kinarnap din niya ito.

Facebook Comments