Umakyat na sa 173 ang naitalang fireworks-related injuries sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay matapos makapagtala ng karagdagdang anim ngayong araw.
Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 41% kumpara sa 123 cases noong 2020 habang mas mababa naman ito ng 58% sa five-year average ng parehong panahon na may 410 na kaso.
Nabatid na 125 sa naitalang kaso ay mga kalalakihan at 80 dito ang aktibong gumagamit ng paputok taon-taon.
Kabilang sa mga paputok na ito ay ang kwitis, boga, luces, at 5-star.
Samantala, nakapagtala rin ng isang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala mula sa lungsod ng Muntinlupa ang Philippine National Police (PNP).
Ang biktima ay kasalukuyan pang nagpapagaling sa Philippine General Hospital (PGH).
Facebook Comments