P20 coin, finalist sa World’s Best New Coins ng International Currency Awards

1068

Kabilang ang P20 New Generation Currency (NGC) coin sa mga finalist ng “Best New Coins” sa International Currency Awards.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang P20 NGC coin ay ikinilala bilang isa sa mga finalist para sa Excellence in Currency 2022 Awards sa ilalim ng Best New Coin o Series ng International Association of Currency Affairs (IACA).

Matatandaang opisyal na inilunsad ang P20 NGC coin noong 2019 kung saan tampok dito ang dating Pangulong Manuel Quezon, BSP, at Palasyo ng Malacañang.


Ang mga finalist ay pinili mula sa 39 na nominadong proyekto ng 20 central banks, 3 commercial banknote issuer, 9 na supplier ng banknote industry, at isang banknote distribution system.

Nakatakdang i-anunsyo ng IACA ang mga mananalo sa February 22, 2022.

Facebook Comments